Being Moro and LGBT
The life of a gay Moro is difficult. The eyes of our family and society are all on us. And the eyes of Islam, the religion of our upbringing, judge us heavily. In their interpretation of Islam, we are "haram": our feelings are dirty and forbidden. Gay Moros and their inner selves have no place in the "ummah", the community of Muslims, because in this society, there are only two genders in the eyes of God. And so we are forced to pretend and hide from their cruel eyes.
The challenge is great: how do we fight the eyes of Islam, the eyes of God? How do we show our struggles? How do we face them so that they better understand our plight?
In our experience, the value of of faith in our activism cannot be ignored. We must face the eyes of God: in order for society to understand our hardship, they must understand the influence religion has on culture -- and of course, the influence culture has on religion. The LGBT sector suffer all manner of discrimination, and a great portion of this comes from the way people read and understand their religion. Because the problem is not all of Islam. We all know that many Muslims love their fellow LGBT, and that their defence of our rights is based on their faith: to them, the eyes of God are the eyes of justice and love. The problem lies in the confusion of what is truly the word of our faith and what is merely the whims of culture and history -- confusing the word of human beings for the word of God. Because is it true that gay Moro like us have no place in the "ummah"? Is this what God sees, or what human beings see?
We believe that the struggle of the LGBT against their suffering in the hands of a cruel society is not only based on the question of human rights, but is also based on our faith as Muslims. In the Quran, it is written: "Let there arise out of you a band of people inviting to all that is good, enjoining what is right, and forbidding what is evil: They are the ones to attain victory" (Sura 3, 104). Those who hurt us always look at the word "evil", but we turn to the word "good": our struggle for the rights of gay Moros is also a struggle for a true faith which embodies love for every person. And we believe that a time will come that we will be accepted and loved fully, and that true love and justice may be victorious for all.
Buhay Moro at LGBT
Mahirap ang buhay ng isang baklang Moro. Lahat ng mata, ng pamilya at ng lipunan, ay nakatutok sa amin. At ang mata ng Islam, ang relihiyong kinalakihan namin, ay mabigat manghusga. Sa kanilang interpretasyon ng Islam, kami ay "haram": na ang aming damdamin ay marumi at pinagbabawalan. Walang lugar ang mga baklang Moro at ang kanilang kalooban sa "ummah", ang komunidad ng mga Muslim, dahil sa lipunang ito, dalawa lang ang kasarian sa mata ng Diyos. Kaya kami ay napipilitang magbalat-kayo at magtago sa kanilang malulupit na mata.
Matindi ang hamon sa amin: papaano namin lalabanan ang mata ng Islam, ang tinuturing mata ng Diyos? Papaano namin mapapakita ang aming kinakaharap? Papaano namin sila haharapin at mas lubos nilang unawaan ang aming kalagayan?
Sa aming karanasan, ang halaga ng pananampalataya sa aming aktibismo ay hindi pwedeng pabayaan. Kailangan harapin ang mata ng Diyos: upang maunawaan ng ating lipunan ang aming karanasan, kailangan maunawaan rin natin ang impluwensiya ng relihyon sa kultura -- at gayon din, ang impluwensiya ng kultura sa relihyon. Ang sektor ng LGBT ay nakakaranas ng iba't ibang uri ng diskriminasyon, at isang malaking bahagi nito ay nagmumula sa pagbasa at pagwari nila ng kanilang relihiyon. Sapagkat ang problema ay hindi ang buong Islam. Alam nating lahat na maraming mga Muslim ay nagmamahal sa kanilang angkan na LGBT, at ang pagtatanggol nila ng aming karapatan ay nakabatay sa kanilang pananampalataya: sa kanila, ang mata ng Diyos ay mga mata ng hustisya at pag-ibig. Ang problema ay nasa maling pag-aninaw ng kung ano ba ang tunay na salita ng aming pananampalataya at kung ano ba ay likha lamang ng kultura at kasaysayan -- yung pagkalito ng salita ng tao bilang salita ng Diyos. Dahil totoo ba na walang lugar ang mga bakla katulad namin sa "ummah"? Ito ba ay ang tingin ng Diyos, o ng tao?
Naniniwala kami na ang paglaban ng mga LGBT sa kanilang kinakaharap sa mapang-aping lipunan ay hindi lamang nakabase sa usaping karapatang pantao, pero nakabase rin sa aming pananampalataya bilang Muslim. Ayon nga sa Quran: "At maaaring may bumukal galing sa inyong isang bansang nag-aanyaya sa kabutihan, at humihimok sa wastong ugali at nagbabawal sa kalaswaan. Ang ganyan ang silang magtatagumpay" (Sura 3, 104). Nakatitig lagi ang mga nang-aapi sa salitang "kalaswaan", pero kami ay nakatitig sa salitang "kabutihan": ang laban namin para sa karapatan ng mga baklang Moro ay laban rin para sa tunay na pananampalataya na sinasaloob ang pagmamahal para sa bawat tao. At naniniwala kami na darating ang panahon na sila ay tanggapin at mahalin ng buong-buo, na ang tunay na pag-ibig at hustisya ay magtatagumpay para sa lahat.
---June “Zion” Dalanda is the Vice-Chairperson for Mindanao of Bahaghari, a national organization for LGBT activists in the Philippines.